Nasawi ang Norwegian athlete na si Audun Gronvold, 49, matapos tamaan ng kidlat.

Si Gronvold ay isang national alpine skier at ski cross athlete.

Nanalo siya ng bronze medal sa 2010 Olympic Winter Olympics na ginanap sa Vancouver, Canada.

Nasa isang cabin trip si Gronvold nang tamaan siya ng kidlat.

Agad siyang isinugod sa ospital at ginamot ang mga tinamo niyang sugat matapos ang insidente, pero hindi siya nakaligtas.

-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Norwegian Ski Federarion na pumanaw si Gronvold noong July 15.

Hindi binanggit sa mga ulat kung saang lugar nangyari ang insidente, at hindi rin tinukoy ang petsa kung kailan nangyari ang trahedya.

Read: VIRAL: Doctor in Taguig with PHP300-PHP350 consultation fee

Si Gronvold ay national alpine athlete mula 1993-1994 hanggang 2003-2004 season.

Nasungkit niya ang bronze medal sa 2010 Winter Olympics.

Nanalo rin siya ng bronze sa 2005 World Championships, at winner sa ski cross Crystal Globe noong 2007.

Third placer din siya sa 1999 World Cup finals alpine racing sa Spain.

Matapos ang kanyang active career, nagsilbi siya bilang national coach sa skiing sa Norway.

Itinuturing siyang pioneer skier sa Norwegian freestyle at ski cross.