Isang babae sa Bangladesh ang nadiskubreng may dalawang sinapupunan nang magluwal muli siya ng kambal 26 na araw matapos siyang huling manganak.
Ayon kay Dr. Sheila Poddar, isang gynecologist sa Ad-Din hospital sa Dhaka,wala naman raw napansing kakaiba ang mga doktor nang unang manganak si Arifa Sultana noong Pebrero.
Matapos lang ang 26 na araw ay isinugod muli si Sultana sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan.
Noon na nadiskubre ng mga doktor na may ipinagbubuntis pa pala siyang isang kambal sa isa pang sinapupunan bukod sa pinanggalingan ng kanyang naunang baby.
Ayon kay Poddar, pambihira ang kondisyon ni Sultana na kung tawagin ay uterus didelphys.
Si Poddar mismo ang nag-deliver sa kambal sa pamamagitan ng C-section.
Ayon sa panayam ni Poddar, nasa maayos na kondisyon at malusog ang tatlong sanggol pati na rin ang kanilang ina.