Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na may isang babae na namatay sa northern Bangladesh noong Enero matapos ma-infect ng Nipah virus.

Ang pasyenteng ito ay nasa edad 40-50; nag-develop ng sitomas noong January 21 gaya ng lagnat, at sakit ng ulo, na sinundan ng hypersalivation, disorientation at kombulsyon.

Nasawi siya isang linggo matapos makumpirmang nahawa ito sa naturang virus.

Wala siyang travel history, at nagnegatibo naman ang lahat ng nakasalamuha nito sa sakit.

Sinusundan ng kasong ito ang unang dalawang cases na natukoy sa kalapit nitong bansa na India.

-- ADVERTISEMENT --