Isang bagyo ang posibleng mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility ngayong buwan ng Enero.
Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo malapit sa Eastern Visayas o sa Caraga Region.
Hindi rin inaalis ang posibilidad na lilihis ito sa bansa.
Samantala, ang shearline at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang patuloy na nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw na ito.
Nakakaranas ngayon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Visayas, Caraga, Davao Region, Palawan, Romblon, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate dahil sa ITZC.
Habang shearline naman ang nakakaapekto sa panahon sa Metro Manila, Calabarzon, Cagayan, Isabela, Quirino, Apayao, Aurora, Bulacan, Marinduque, Oriental Mindoro, Camarines Norte, at Camarines Sur, at sa iba pang bahagi ng Luzon.