TUGUEGARAO CITY- Pinag-aaralan pa ng mga experts ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang dahilan ng pagkamatay ng isang balyena na napadpad sa dalampasigan na nakita ng mga mangingisda sa Santa Maria, Buguey, Cagayan.

Sinabi ni Max Prudencio, information officer ng BFAR Region 2 na hindi pa mabatid ang sanhi ng pagkamatay ng short-finned pilot whale na may habang 4.5 meters sa isinagawang pagsusuri.

Ayon kay Prudencio, walang anumang nakita sa tiyan ng balyena na pagbabasehan sana ng dahilan ng kanyang pagkamatay.

Gayonman, sinabi niya na may nakita red spots sa balyena na senyales na mayroon umano itong sakit.

-- ADVERTISEMENT --