Taon-taon ay sinasalakay ng libo-libung maiingay na parrots ang bayan ng Hilario Ascasubi sa Buenos Aires sa Argentina na nagdudulot ng milyong-milyong dulyar na pinsala.

Maraming taon nang sinasakay ng parrots ang nasabing bayan, subalit marami ang nagrereklamo ngayon dahil sa lumalala ang sitwasyon.

Lumalaki ang populasyon ng parrots maging ang pinsala na idinudulot nito.

Gustong-gusto kasi ng mga nasabing parrot na kagatin ang electrical at internet wires.

Malaking problema din ang mga ipot ng mga nasabing ibon sa mga sidewalks at mga kalsada, maging ang ingay ng mga ito sa umaga at gabi.

-- ADVERTISEMENT --

sa summer, nagmama-migrate sa south ang mga parrot sa mga talampas o cliff ng Patagonia para sa breeding season, subalit bumabalik sila at mas dumarami ang mga ito.

Dahil hindi sila mapaalis, marami ang nanawagan ng relocation ng higanteng colony, ngunit walang nakakaalam kung paano gagawin ang operasyon o kung saan dadalhin ang mga ibon.