TUGUEGARAO CITY- Isinailalim sa temporary lockdown ang isang block ng Blumentritt St., Centro 1, Bagumbayan, Tuguegarao City simula ngayong araw matapos na magpositibo sa covid-19 ang isang residente.

Sinabi ni Henry Perez, punong barangay na naglagay na sila ng barikada papasok sa nasabing lugar.

Bukod dito, sinabi ni Perez na hindi muna pinapayagan ang pamilya ng nasabing pasyente na lumabas ng bahay.

Sinabi pa ni Perez na maging ang limang household na kapitbahay ng pasyente ay pinayuhan na rin na manatili muan sa kanilang mga tahanan upang matiyak na hindi na kakalat ang virus.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Perez, hinhintay pa nila ang abiso ng Department of Health kung hanggang kailangan ang lockdown sa nasabing lugar.

ang tinig ni Perez

Nabatid na ang pasyente ay utility worker ng DOH Region 2 at bago lumabas ang kanyang swab test result ay umuwi ito sa kanilang bahay at sinundo siya kagabi ng mga kinauukulan.