

Tuguegarao City- Naglabas ng Executive Order si Cagayan Governor Manuel Mamba na nagrerekomenda sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) na isailalim sa 30 days Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Tuguegarao City.
Sinabi ng gobernador na ito ay kasunod ng nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao.
Ayon sa kanya, sumampa na sa 1,058 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa probinsya at 581 dito ay mula sa lungsod ng Tugegarao.
Sa ngayon ay mayroong 101 COVID-19 active cases ang Tuguegarao at kasama na rito ang mga sumailalim sa aggressive community testing.
Binigayang diin pa ng Gobernador na may mishandling sa pagtaas ng bilang ng kaso ng virus sa lungsod kaya’t dapat lamang na isailalim na ito sa MECQ sa lalong madaling panahon.
Samantala, ikinababahala din nito ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa mga karatig bayan kung saan sa ngayon ay kabilang sa may mataas na kaso ng virus ay ang Solana na nakapagtala ng 17.
Sinundan naman ito ng tig-tatlong kaso mula sa mga bayan ng Peñablanca at Iguig.




