
Kumpiyansa ang isang Cagayano sa kanyang gagawing performance sa isang international singing competition na isinasagawa ngayon sa Kuala Lumpur, Malaysia na nagsimula noong November 22 hanggang 26.
Sinabi ni Joseph Magalad Billeza, tubong Tuao, Cagayan na ilang buwan din siyang nag-ensayo at umaasa siya na mapagtatagumpayan niya ang i-SiNG world competition.
Ayon sa kanya, siya ay kalahok sa vocal solo at vocal duet kung saan ay kasama niya ang 10 taong gulang na mang-aawit mula sa Bulgaria.
Sinabi niya na aawit siya ng Filipino song at English song bilang bahagi ng selection sa nasabing kompetisyon.
Sinabi niya na nasa 25 bansa ang kalahok sa nasabing kompetisyon na natigil ng tatlong taon dahil sa covid-19 pandemic.
Si BiLleza ay first runner-up sa Global Pinoy Idol Philippine Edition noong 2017 at nakuha ang silver at bronze medal sa World Championships Performing Arts kasama si Jed Madela bilang coach noong 2018.
Sinabi niya na isang karangalan na maging kinatawan ng bansa sa nasabing kompetisyon.
Ang i-SiNg ay isang international singing competition na inoorganisa taon-taon na naging tanyag na platform para sa lahat ng mga aspiring singers na i-showcase ang kanilang talento.









