Patay ang ang electrician matapos na makuryente sa Barangay Santa Cruz, Santa Ana, Cagayan.

Sinabi ni PMAJ Ranulfu Gabatin, hepe ng PNP Santa Ana, batay sa salaysay ng mga saksi sa insidente, kasalukuyang kinukumpuni ni Joseph James Caddangan ng nasabing barangay, 33 anyos, ang service drop wire ng isang bahay nang siya ay makuryente.

Ayon kay Gabatin, maaaring hindi alam ng biktima at mga kasamahan nito na na dumadaloy ang kuryente sa kanilang linya kasabay ng ginagawang power restoration ng Cagayan Electric Cooperative 2, matapos na makaranas ang Santa Ana ng blackout dahil sa mga nasirang mga poste at mga kawad ng kuryente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Marce.

Samantala, sinabi ni Gabatin na kinukumpuni na nila ang pinsala sa kanilang himpilan dahil sa pananalasa ng bagyong Marce.

Ayon sa kanya, ito ay bilang paghahanda na rin sa banta ng bagyong Ofel na tinaya na mananalasa sa kanilang bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, sinabi ni Gabatin na patuloy ang kanilang information dessimination sa mga residente na maging alerto at lumikas na kung kinakailangan.

Ayon sa kanya, may mga evacuees pa ang Santa Ana, kung saan ang ilan sa mga ito ay ang nasira ang kanilang mga tahanan dahil kay Marce.