Wala ng buhay nang matagpuan sa kanyang kwarto ang isang government employee sa Brgy.Namuccayan, Sto.Nino, Cagayan.

Kinilala ni PLT Noriel Ualat, deputy chief of police ng PNP Sto.Nino ang biktima na si Richard Bunagan, 44 anyos, DPWH employee at residente sa Brgy.Bagay, Tuguegarao at kasalukuyan naninirahan sa Brgy.Namuccayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na huling nakita ang biktima alas sais ng umaga noong september 18,2024 at noong september 20 nang mapansin ng isang brgy.kagawad ang masang sang na amoy na nanggagaling sa likod ng brgy.hall na tapat mismo ng inuupahang kwarto ng biktima.

Nang mabuksan aniya ng brgy.kagawad ang pintuan ng kwarto ng biktima ay dito na tumambad ang naagnas at wala ng buhay ng biktima na nakadapa pa malapit sa kanyang higaan.

Agad dinala sa Sto.Nino Municipal Health Office si Richard para magsagawa ng post mortem examination.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang sanhi ng pagkasawi ng biktima ngunit napag alaman na mayroon itong highblood at nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin nang mangyari ang insidente.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima at wala ring nangyaring foul play kung kaya’t posibleng may kaugnayan sa kanyang sakit ang pagkamatay nito.

Napag alaman na isang engineer ang biktima sa ginagawang bagong tulay sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay naiuwi na ang bangkay ng biktima sa kanilang tahanan sa Brgy.Bagay, Tuegagarao.