Isang flight ng Air Canada ang nagsagawa ng dramatic emergency landing sa Halifax airport matapos magka-malfunction ang landing gear nito, na nagdulot ng pag-skid ng eroplano at pagkakasunog.
Ang nasabing insidente ay kinasangkutan ng isang flight mula St. John’s na pinamamahalaan ng PAL Airlines.
Bagamat wala namang naiulat na nasawi ay nagdulot naman ito ng labis na pagkatakot ng mga pasahero habang sugatan rin ang ilan pang sakay nito.
Ang insidenteng ito ay naganap kasunod ng nangyari ring aksidente sa South Korea kung saan hindi bababa sa 179 katao ang tinatayang nasawi matapos bumagsak ang Jeju Air flight 7C2216 sa Muan International Airport sa South Korea nitong Linggo ng umaga.