Nasawi ang isang grade 5 student matapos makuryente sa bayan ng Sta.Ana, Cagayan.

Ayon kay PMAJ Ranulfo Gabatin, chief of police ng PNP Sta.Ana ang biktima ay isang 11 years old na bata, at residente sa Barangay Visitacion.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang kapulisan mula sa isang concerm citizen, kaugnay sa nangyaring pagkakakuryente ng isang bata sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na namimingwit umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang bukid na may tubig.

Nang nasa kalagitnaan na aniya ay bigla na lamang naitapat ang biktima sa nakalaylay na linya na kuryente kung saan tumama pa umano ito sa kanya dahilan upang malaglag ito sa bukid at makuryente.

-- ADVERTISEMENT --

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doktor.