Inirekomenda ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang dismissal laban sa isang heneral dahil sa usapin ng command responsibility at umano’y kapabayaan.

Ayon kay Atty. Brigido Dulay, inspector general ng PNP-IAS, nag-ugat ito sa kontrobersyal na police operation sa isang condominum sa Parañaque City noong September 2023 kung saan nagreklamo ang mga inarestong Chinese.

Kabilang sa mga reklamo ang iligal umanong pag-aresto, pagkumpiska ng mga personal na gamit at umano’y pagtatanim ng ebidensya ng mga tauhan ng Southern Police District.

Lumitaw rin sa imbestigasyon na ang mga sangkot na pulis ay kinumpiska ang dalawampu’t pitong milyong pisong cash na hindi maman subject ng search warrant.

Ani Dulay, kahit hindi kasama ang heneral sa operasyon, nagkulang ito sa hindi pagkakaroon ng kaukulang aksyon laban sa kanyang mga tauhan.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman pinangalanan ni Atty. Dulay ang nasabing heneral at ipinauubaya na lamang ang pinal na hatol kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil.