Nahuli ang isang high value individual o hvi dahil sa pag-iingat umano ng iligal na droga dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Batay sa report ng Cagayan Police Provincial Office, nadakip ang suspek na kinilalang si Alyas Pido, 40 anyos matapos isilbi ang isang Search Warrant dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 partikular ang Illegal Possession of Dangerous Drugs.

Nabatid na pinangunahan ng PDEA, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (1st CPMFC), at CDEU/TCCPS ang nasabing operasyon.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang dalawampung piraso ng heat-sealed na plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu; Labindalawang piraso ng empty transparent plastic sachets; Dalawang piraso ng maliit na puting pouch; Isang piraso ng rectangular white pouch at Dalawang piraso ng gray duct tape na nakabalot sa masking tape.

Ang mga nasabing 20 sachets umano ay nagpositibo sa Methamphetamine at tumitimbang ng 81.4838 grams, na may kabuuang street value na Php554,089 base sa standard drug price.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nakakulong sa Custodial Facility ng Tuguegarao Component City Police Station at hinihintay ang mga susunod na hakbang mula sa korte.

Patuloy naman ang mga awtoridad sa pagtutok sa mga high-value individuals at ang kanilang pagsisikap upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad laban sa iligal na droga.