
Huli ang isang indibidual sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Alcala, Cagayan kagabi.
Nagtungo ang mga operatiba ng Alcala Police Station (lead unit), katuwang ang 112th Special Action Company, 11th Special Action Battalion ng PNP-SAF; Provincial Intelligence Team–Cagayan South; Regional Intelligence Unit 2; at 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company sa bayan ng Alcala, Cagayan sa nasabing lugar matapos na makumbinsi ang suspek na magbebenta ng baril sa nagpanggap na buyer.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakahuli kay alyas Catalina, 43 anyos, may asawa at residente sa nasabing bayan ng bentahan ng baril ang nagpanggap na buyer.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang kaligbre .38 na walang serial number; apat na bala ng nasabing baril, at isang improvised magnum .22 caliber at 13 na bala ng baril.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya sa Alcala Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek na illegal possesion of firerarms and ammunitions.










