Nasawi ang isang inhinyero matapos na makuryente sa lungsod ng Tuguegarao.
Kinilala ni Pcapt.Ana Marie Anog tagapagsalita ng PNP Tuguegarao ang biktima na si Alyas JV, 25 anyos, isang industrial engineer at residente ng San Pedro Tumauini, Isabela.
Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas tres ng hapon nang mapansin ng katrabaho ng biktima ang isang tao sa taas ng delivery truck na may hagdanan habang sila ay nagdidiskarga ng mga parcel sa isang delivery truck sa Bagay road Caritan Norte
Tinawag umano ang atensyon ng biktima ngunit hindi ito sumasagot dahilan upang puntahan ng kanyang katrabaho ang kanilang superior at pinababa ang circuit braker.
Base sa kuha ng cctv ay bandang 1:05 pm ay kasalukuyang nag iinstall ng electric extension wire ang biktima na para sana sa karagdagang socket.
Pagtuntong aniya ng 1:10 pm ay dito na nakitang nakuryente ang biktima kung saan alas tres ng hapon pa ito nadiskubre at halos dalawang oras na nakuryente ang biktima.
Kaagad na humingi ng tulong ang mga ito a MDRRMO, BFP at PHO upang maibaba kaagad ang wala ng buhay ng biktima.
Sa ngayon ay naiuwi na ang bangkay ng biktima habang wala namang makitang foul play sa nasabing insidente dahil electric fusion ang nangyari.