Sarado ang isang kalsada sa bayan ng Luna sa Apayao dahil sa landslide.
Sinabi ni Jomar Bragas, MDDRMO officer ng Luna na natabunan ng lupa ang kalsada sa Marag Valley na mula sa bundok bunsod ng nararanasang mga pag-ulan.
Dahil dito, sinabi ni Bragas na apektado ang apat na barangay ng Luna na kinabibilangan ng Marag, Kagandungan, Kalabigan at administrative barangay na Kalalukay.
Sinabi ni Bragas na isasagawa ang clearing operation sa lugar kung titigil na ang pag-ulan.
Samantala, pinalilikas na ang mga residente sa bayan ng Pamplona sa Cagayan dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog dahil pa rin sa mga pag-ulan.
-- ADVERTISEMENT --
Nasa yellow alert na ang water level ng tubig sa Pamplona.