TUGUEGARAO CITY-“Totally closed” para sa lahat ng uri ng sasakyan, papasok at palabas ng barangay Patunungan sa bayan ng Sta ana matapos gumuho ang ilang parte ng bundok dahil sa pag-ulan na naranasan.

Ayon kay Ruel Legaspi ng Municipal Disaster risk Reduction Officer ng Sta Ana, kahapon ay ipinagbigay alam ng punong barangay ng nasabing lugar ang landslide.

Aniya, hindi maaring galawin ng kanilang mga rescue team ang lupa na bumara sa kalsada dahil delikado pa ito lalo na at may paparating na sama ng panahon.

Sinabi ni Legaspi na tanging ang pagsakay ng bangka at pagdaan sa dagat ang ibang paraan para makapasok sa barangay ngunit sa ngayon ay malakas ang alon at delikado para sa lahat ng mga maglalayag.

Dahil dito, sinabi ni Legaspi na hihintayin na lamang ng kanilang grupo na gumanda ang panahon bago linisin ang lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, sinabi ni Legaspi na karamihan sa mga residente ng nasabing barangay ay nasa centro na para doon pansamantalang mamalagi.