Isang lalaki sa Canada ang naging kauna-unahan na kandidato sa kasaysayan ng bansa na walang nakuha na kahit isang boto sa federal election.

Isa si Félix-Antoine Hamel sa 84 candidates na tumakbo sa Toronto byelection matapos na sila ay lapitan ng election reform group Longest Ballot Committee na pinuno ang halalan ng mga kandidato na lumikha ng pinakamahabang balota sa kasaysayan ng Canada.

Tanging si Hamel ang walang nakuhang boto.

Ayon sa kanya, maging siya ay hindi niya ibinoto ang kanyang sarili dahil hindi naman siya residente ng Toronto.

Nang makita niya ang resulta, sinabi ni Hamel na siya ang totoong unity candidate.

-- ADVERTISEMENT --

Ang anim na iba pang kandidato na kasama ni Hamel ay nakakuha ng tig-dalawang boto lamang.

Sinabi pa ni Hamel na hindi siya naulat sa resulta ng eleksion, subalit natuwa naman siya sa bagong niyang distinction.