May natukoy ang mga doktor sa magulong Gaza na kaso ng polio sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 25 taon.

Ayon sa health ministry, may nakitang poliovirus sa sampung buwang gulang sa Deir al-Balah sa lungsod ng Gaza, kung saan ang sanggol ay hindi umano nabigyan ng anomang polio jabs.

Kamaikailan, sinabi ng UNICEF na may nakitang poliovirus sa environmental samples mula sa Khan Younis at Deir al-Balah noong Hulyo, kung saan dinala sa laboratoryo sa Jordan para sa pagsusuri ang stool samples ng tatlong bata.

Ang polio ay isang nakakahawang sakit na karaniwang tinatamaan ang mga bata na edad lima.

Pinupuntirya ng virus ang nervous system at posibleng magresulta ng pagkaparalisa at pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa health ministry, makikipag-ugnayan sila sa UNICEF para sa pagbabakuna sa mga batang na wala pang 10 taong gulang sa Gaza.

Sinabi ng nasabing tanggapan na may available naman mahigit isang milyon na doses ng bakuna laban sa polio.

Ayon naman sa UNICEF, nakatakdang ilunsad ang vaccination ngayong buwan sa Gaza at target ang mahigit 640,000 na mga bata.

Sinabi ng UNICEF na sa loob ng 25 taon ay polio free ang Gaza.