TUGUEGARAO CITY- Iginagagalak ni Jojit Alexis Araña, Sangguniang Kabataan Federation President sa Dinapigue, Isabela ang pag-adopt ng ilang munisipyo sa bansa sa kanilang “isang kilong plastik kapalit ng isang kilong bigas” project.

Sinabi ni Araña, ito ay nangangahulugan na marami ang may gustong makatulong para malinis ang kapaligiran sa mga nagkalat na plastik.

Bukod dito, mahihikayat ang mga kabataan na tumulong sa paglilinis sa kapaligiran.

Kasabay nito, sinabi ni Araña na ang sisikapin nilang maging sustainable ang nasabing proyekyo upang kahit wala na sila sa pwesto ay tuloy-tuloy pa rin itong maipatutupad.

ang tinig ni Araña

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Araña na napagkasunduan na rin sa 4th district ng Isabela ang pagpapalawak sa nasabing proyekto kung saan ay tatawagin naman itong “ Plastic for Enviroment, Education and Zero Hunger”

Ayon sa kanya, bukod sa bigas, papalitan na rin ng school supplies ang mga plastik.

Ang “isang kilong plastik kapalit ng isang kilong bigas” project ay kosepto ng SK sa Dinapigue kung saan ang pondo ay mula sa SK at may tulong din mula sa barangay at Local Government Unit.