Huli ang isang lalaki na itinuturing na street level individual sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Tuguegarao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Pau, 21-anyos, binata, walang trabaho, residente ng lungsod.
Siya ay nahuli sa Lecaros Extension, Ugac Sur kahapon.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang tunay na pera na ginamit sa operasyon, isang cellphone at motorsiklo.
Inihahanda na ang kaso laban sa suspek na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
-- ADVERTISEMENT --