Dead on arrival sa pagamutan ang isang backrider habang sugatan ang driver ng motorsiklo matapos maaksidente sa bayan ng Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ang nasawi na si Joshua Cristobal, estudyante habang nakalabas na sa pagamutan ang driver nito na si Norberto Cristo, kapwa 18-anyos at residente sa Brgy San Mariano, Lal-lo.

Ayon kay PLT Mary Anne Unida, deputy chief of police ng PNP-Camalaniugan, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng motorsiklo ng makarating ang mga ito sa pakurbadang bahagi ng lansangan dakong alas 9:00 ng gabi sa Brgy. Sapping, Camalaniugan.

Dahil dito tumilapon ang dalawa sa sementadong bahagi ng canal at dito tumama ang ulo ni Cristobal na tanging walang suot na helmet.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na kapwa nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang mga biktima na galing sa monthly meeting ng kanilang fraternity group sa bayan ng Maura, Aparri at pagkatapos ay nagkaroon ng inuman.

-- ADVERTISEMENT --