TUGUEGARAO CITY-Isang lalaki ang nagpositibo sa HIV sa Kalinga.

Sinabi ni Jandell Taguiam ng City Health Office ng Tabuk na nagpositibo sa HIV ang 23 years old na lalaki matapos ang isinagawang pagsusuri sa 74 na katao.

Bukod sa HIV,64 ang nagpositibo sa gonorrhea at iba pang sexually trasmitted infection.

Sinabi ni Taguiam na edad 15 hanggang 24 ang isinailalim nila sa pagsururi dahil sa kanilang active sexual activities.

Ayon kay Taguiam ang mga nagpositibo sa mga nasabing sakit at inire-refer sa Cagayan Valley Medical Center at Baguio General Hospital para sa libreng gamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, pinayuhan ni Taguiam ang publiko na maging maingat upang nmakaiwas sa HIV at iba pang nakakahawang sakit sa pamamagitan ng pag-iwas sa sex,maging tapat sa iyong partner,laging gumamit ng condom,huwag gumamit ng droga at alamin ang tungkol sa mga nasabing sakit.

Hinikayat din niya ang mga posibleng may simtomas ng mga nasabing sakit na magtungo lamang sa CHO sa Dagupan,Tabuk o kaya ay sa Regional Health Unit sa Bulanao.