Kulong ang isang magsasaka sa bayan ng Lasam matapos magnakaw ng kabayo sa bayan ng Sto.Nino, Cagayan.

Kinilala ni PSMS Jomar Arnedo imbestigador ng pnp Lasam ang suspect na si Christopher Dela Cruz 18 anyos, Aeta habang ang biktima ay si Rogen Jeneger, 43 anyos na pawang mga residente ng brgy.Calapangan Sto.Nino.

Una rito ay napansin ng biktima na nawawala ang kanyang alagang kabayo nang ililipat sana niya ito sa ibang pastulan na malapit sa kanilang bahay kung kaya’t sinubukan sundan ang mga bakas hanggang sa makarating sa Brgy.Ignacio B Jurado sa bayan ng Lasam at dito napagtanungan ng biktima sa nagtitinda ng karne kung may napansin ito na dumaang kabayo.

Matapos kumpirmahin ng biktima na nakarating na sa bayan ng Lasam ang kabayo at ang suspek ay agad na ipinagbigay alam sa mga kinuukulan dahilan upang matunton ng mga kapulisan ang suspek sa Brgy. na umaabot ng nasa isang oras na paglalakad mula sa lugar kung saan ninakaw ang kabayo.

Inamin naman ni Christopher na kanyang ninakaw ang kanyang kabayo upang gamitin lamang sana bilang transportasyon papunta sa bayan ng Flora Apayao upang tignan ang binabantayang pananim at iabbalik din pagkatapos.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na nasa anim hanggang pitong taong gulang ang kabayo at nagkakahalaga ng P25,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pnp lasam ang suspek habang desidido naman si Rogen na ituloy ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Presidential Decree o anti cattle rustling law.