Dead on arrival ang isang magsasaka matapos saksakin ng isang estudyante sa bayan ng Solana, Cagayan.

Kinilala ni PCAPT Sheila Joy Fronda tagapagsalita ng Cagayan PNP ang biktima na si alyas Drei, 35 anyos habang ang suspect naman ay si alyas Long, 20 anyos, estudyante at magpinsan na kapwa residente ng nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon umano ng inuman ang dalawa at habang nasa kalagitnaan ng inuman ay nagkaroon ang mga ito ng di pagkakaintindihan.

Pagkatapos aniya ng pagtatalo ay umuwi na si Drei sa kanilang tahanan kung saan sinundan pa ito ng suspect at kinompronta ito dahilan upang magkaroon muli ng pagtatalo.

Dito na nagsuntukan ang dalawa at pinagsasaksak ni Alyas Long ang biktima sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Agad dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doctor habang naaresto rin kaagad ang suspect pati na rin ang kanyang ginamit na kutsilyo.