Nahalughog ng mga otoridad ang isang baril, bala, granada at ilang pakete ng pinaniniwalang ilegal na droga sa bahay ng isang mangingisda sa Brgy.Pata Claveria, Cagayan.
Kinilala ni PCAPT Rizal Castillo deputy chief of police ng pnp claveria ang suspek na si Alyas Kristoff, 37 anyo at residente ng nasabing barangay.
Hinalughog ng mga otoridad ang kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte kung saan nakumpiska ang 38 Revolver, 2 bala nito,6 na pirasong ng plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at ilang drug paraphernalia sa loob ng kanyang kwarto habang nakita naman sa labahan ang isang granada.
Aminado naman ang suspek sa paggamit nito ng ilegal na droga dahil sa kanyang pangingisda tuwing gabi habang may mga reklamo laban sa kanya kaugnay sa pagpapakita nito ng baril at panggugulo sa kanilang lugar kapag ito ay nasa ,impluwensiya ng nakalalasing na inumin.
Nabatid na ang kanyang dalawang menor de edad na anak ang kanyang kasama nang isagawa ang operasyon na sinaksihan ng mga brgy.officials habang ang misis nito ay nagtatarabho sa kalkhang Maynila.
Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002, RA 10591 o illegal posession of fire arms at RA 9516 dahil sa pag iingat nito ng granada.