TUGUEGRAO CITY-Tuluyan nang naaresto ng mga otoridad sa bahagi ng Laguna ang umano’y miembro ng CPP-NPA sa Cagayan na nahaharap sa patong-patong na kaso.
Kinilala ang akusado na si Joenel Lazo, residente ng Brgy. Centro Norte sa bayan ng Sto niño at nasa ika-89 pwesto sa periodic status report OF threat group watchlist at umano’y miembro ng Northern front ng CPP-NPA sa rehiyon dos.
Ang akusado ay may kasong kinakaharap na 9 counts ng attempted murder, illegal possession of explosive, ammunition and grave coercion, ten counts ng murder, rebellion , arson at qualified assault.
Una rito, buwan ng Setyembre ng taong kasalukuyan nang mamonitor ng kapulisan na kasalukuyang nakatira si Lazo sa Brgy Sto Tomas ,Biñan City , Laguna at nagtatrabaho bilang security guard.
Nang makumpirma ng mga otoridad ang kinaroronan ng akusado ay agad silang nagsagawa ng operasyon katuwang ang Laguna provincial Police Office at Biñan city police station na sanhi ng pagkahuli ni Lazo.
Giit umano ng akusado na 2012 pa siya kumalas sa makakaliwang grupo at nagtungo sa Laguna para magtrabaho.
Sa ngayon, nasa Biñan Police Station pa ang suspek habang inaayos ang mga dokumento bago ipasakamay sa mga kapulisan dito sa Cagayan.