Patay ang isang nurse matapos na bumaliktad ang sinakyang ambulansiya kaninang umaga sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.
Ayon kay PCAPT.Rohaina Asalan, hepe ng PNP Peñablanca na batay sa paunang imbestigasyon, galing ng San Pablo, Isabela ang ambulansiya sakay ang biktima na si Elizabeth Damil ng Tuguegarao City.
Nang makarating ang ambulance sa Brgy. Camasi, sumabog umano ang isang gulong sa harapan ng sasakyan.
Dahil dito, hindi nakontrol ng driver na si Jojo Agustin Pacheco ang manebela na dahilan ng pagbaliktad ng ambulansiya.
Naipit ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.
-- ADVERTISEMENT --
Nabatid pa ihahatid sana ang nurse sa kanilang lugar sa Brgy. Cataggaman, Tuguegarao matapos na magduty sa San Pablo.