Nakauwi na ng bansa ang isang OFW mula sa Qatar matapos materminate ang kaniyang trabaho sa nasabing bansa.
Ayon sa Department of Migrant Wokers, kabilang ang nasa 36 taong gulang na babae sa 17 OFWs na nakulong dahil sa ipinagbabawal na demonstrasyon sa nasabing bansa.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nakahandang tulungan ng pamahalaan ang nasabing OFWs sa kanyang pangangailangan, tulong sa kanyang pagbabalik bansa mula sa DMW’s AKSYON Fund, at Training Scholarship Certificate mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Sa huli, muli namang siniguro ng ating pamahalaan na mabibigyan ng karampatang tulong mula sa mga ahensyang kinauukulan.