Sinibak ni DPWH Sec. Vince Dizon si Atty. Mikhail Valodya Tupaz bilang OIC Division Chief ng Internal Affairs Division matapos umano itong magmura at mag-utos ng pag-aresto sa isang security guard na tumangging papasukin siya sa isang subdivision.
Ang inalis sa puwestong ito ay si Internal Affairs Division OIC Division Chief, Atty. Mikhail Tupaz.
Batay sa mga ulat na nakarating kay Dizon, pinagmumura umano ni Tupaz ang isang security guard nang hindi umano kasi nito pinapasok si Tupaz sa isang subdivision.
Matapos ito, binalikan pa umano ng DPWH official ang sekyu kasama ang pulis upang ipahuli ito.
Ngayon, hinihikayat ng kalihim ang security guard na sampahan ng reklamo si Tupaz.
-- ADVERTISEMENT --