Kabuuang 106 na paaralan mula elementarya hanggang highschool ang naapektuhan ng biglaang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan na dulot ng bagyong Goring.

Ayon kay Rueli Rapsing, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na dahil dito ay suspendido pa rin ang lahat ng klase sa lahat ng antas mapa-pribado o publiko.

Bukod sa naranasang baha at malakas na hangin ay dinaanan din aniya ng ipo-ipo ang Licerio Antiporda National High Schoolsa bayan ng Buguey na dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala.

Samantala, sa pinakahuling datos ng PDRRMO umakyat pa sa 4346 na pamilya o 14,214 na indibidwal mula sa 21 municipalidad ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyo.

Halos 2K rito o mahigit 6K ang lumikas sa mga evacuation center at kanilang mga kamag-anak.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Rapsing na nahati na sa dalawa ang Incident Management Team na nakatutok sa rescue operations matapos ang biglaang pagbaha kahapon sa bayan ng Sta Teresita at Gonzaga na dulot ng pagbaba ng tubig ulan sa sierra madre mountains na sinabayan pa ng high tide.

Bukod dito, patuloy rin minomonitor ang pagtaas ng water level sa ilog Cagayan at mga tributaries nito dahil sa patuloy pa rin ang pag-uulan at pagbaba ng tubig-ulan na galing sa Nueva Vizcaya at Isabela.