TUGUEGARAO CITY- Patay ang ina ng isang pamilya na binubuo ng 6 na miembro sa Piat, Cagayan kaninang umaga.

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Joel Ruma, vice mayor ng Rizal, Cagayan na nagtatrabaho sa kanya ang ama ng pamilya bilang mekaniko at driver.

Sinabi ni Atty. Ruma na agad siyang pumunta sa crime scene sa Brngy. Dugayong nang ipaalam sa kanya ang nangyari sa nasabing pamilya.

Ayon sa kanya, ang kanyang pick-up ang ginamit ng mga biktima sa pagpunta sana sa Tuguegarao City para bumili ng krudo.

-- ADVERTISEMENT --

Tatlo din ang nasugatan sa nasabing pamamaril kabilang ang ama habang dalawa ang hindi nasaktan sa anak ng mag-asawa.

Sinabi ni Atty. Ruma na hintayin na lamang ang imbestigasyon ng mga otoridad kung sino ang tunay na target sa nasabing ambush.

ang tinig ni Ruma

Nabatid pa mula kay Atty. Ruma na ang nasabing pamilya ay mula pa sa Mindoro at inirekomenda sa kanya ng isang kaibigan para magtrabaho sa kanya.

Ayon sa kanya, noong Enero nagsimula bilang kanyang mekaniko at driver ang ama ng nasabing pamilya.