Natagpuan ng isang tricyle driver ang isang Unexploded Ordnance o pampasabog sa bayan ng Piat, Cagayan.

Ang nasabing pampasabog ay nakita ng isang alyas Mike pasado alas tres ng hapon na natakpan ng buhangin sa tabing ilog ng Barangay Dugayong.

Agad namang inireport ito sa PNP na siyang nakipag-ugnayan sa Provincial Explosive and Ordnance Division nito.

Ayon kay PCAPT. Leif Guya, hepe ng PNP- Piat, posibleng naitangay ng malakas na agos ng tubig ang naturang pampasabog kaya ito napadpad sa naturang lugar.

Napag-alaman na ito ay isang 81 millimeter projectile high explosive mortar grenade at hawak na ng Explosive and Ordnance Division ng PNP para sa tamang disposisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, pinalalahanan ni Guya ang publiko na agad na ipagbigay-alam sa mga kinauukulan kung sakaling may makita na anumang kahina-hinalang bagay o pinaghihinalaang pampasabog at mahigpit na ipinagbabawal ang paghawak, paggalaw, o paglalaro nito sapagkat maaari itong magdulot ng seryosong panganib sa buhay at ari-arian.