Nagulat ang may-ari na si Marion Wischnewski sa kanyang alaga na African grey parrot na si Rocco dahil nagagawa umano nitong mag-online shopping gamit ang isang device.
Ayon kay Wischnewski, inatasan niya ang kanyang device na basehin ang mga inorder niya online ngunit laking gulat niya ng kasama na itong stawberries at broccoli na hindi naman niya inorder.
Sa pangambang maulit ang sitwasyon at mas malaking halaga ang kanyang bayaran sa items na hindi naman siya ang nag-order, nag-obserba si Marion.
Hanggang natuklasan niyang si Rocco pala iyon.
Marunong kasing magsalita ang parrot at ginagaya pala nito ang paraan ng paggamit ni Wischnewski sa kanyang alaga.
Ang African Grey parrots ay kilala sa kanilang katalinuhan at kakayahang manggaya ng pagsasalita ng tao.
Lumaki si Rocco sa National Animal Welfare Trust sa United Kingdom at may history na rin ito ng pagmumura at panlalait ng mga bisita.
Naging problema rin ang pag-aalaga sa kanya dahil lagi niyang itinutumba ang lalagyan ng feeds at water.
Na-adopt siya ni Marion, na isang dedicated staff ng NAWT, at iniuwi sa bahay para roon na alagaan.