Patay ang isang pasyente, at dalawang iba pa matapos na bumagsak sa karagatan sa southwestern Japan ang isang medical transport helicopter, ayon sa Japan coast guard.
Na-recover ang mga labi ng medical doctor na si Kei Arakawa, 34-anyos, Mitsuki Motoishi, 86, ang pasyente, at ang kanyang caretaker na si Kazuyoshi Motoishi, 68-anyos ng Japan Air Self-Defense Force helicopter.
Nailigtas naman ng coast guard ang piloto na si Hiroshi Hamada, 66; Kazuto Yoshitake, si Kazuto Yoshitake, isang helicopter mechanic at si Sakura Kunitake, isang nurse, 28-anyos habang sila ay nakahawak sa inflatable livesavers.
Nakaranas ang tatlo ng hypothermia.
Nagpadala ang coast guard ng dalawang eroplano at tatlong barko sa lugar bilang bahagi ng rescue operation.
Patungo ang helicopter sa isang ospital sa Fukuoka mula sa paliparan sa Nagasaki prefecture nang ito ay bumagsak sa tubig.
Ayon sa coast guard, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng nasabing helicopter.