Tuguegarao City- Kinumpirma ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center ang pagkasawi ng isang pasyenteng positibo sa COVID-19.

Ang nasawi ay isang 50 anyos na babaeng tindera sa palengke, walang travel history at residente ng Brgy. Palua Sur, Tuguegarao City.

Ayon kay Dr. Baggao ay unang nakaranas ng pananakit ng tiyan ang pasyente at nakitaan ng mga doktor ng partial obstruction at bukol sa bituka.

Kalaunan ay sinundan ito ng hirap sa paghinga at pananakit ng kanyang dibdib.

Agad na isinailalim sa ang pasyente sa swab test at batay sa resulta ay positibo ito sa virus kung kaya’t inilibing din bago ang 12 oras.

-- ADVERTISEMENT --

Sa huling tala ng CVMC ay may 27 confirmed at 17 suspected COVID-19 patients sa kanilang pangangalaga.

Ang mga confirmed cases ay kinabibilangan ng 19 na mula Cagayan partikular ang tig isang kaso mula sa mga bayan ng Amulung, Alcala, Iguig, Tuao, tig-isa sa Buntun, San Gabriel, Ugac Sur, Cataggaman Pardo, Gosi Norte, dalawa sa Carig, 4 sa Reyest Extension Ugac Norte, dalawa sa Cataggaman Viejo.

Kabilang na rin dito ang 4 na nagpositibo mula Ilagan City, tig-isa sa Roxas at Cabatuan, Isabela at dalawa pa mula sa probinsya ng Kalinga.

Sa mga admitted suspects naman ay 13 ang mula sa Cagayan, 3 sa isabela at isa ang galing sa probinsya ng Apayao.

Samantala, sinabi pa ni Dr. Baggao na pabor silang isailalim sa MECQ ang lungsod ng Tuguegarao upang maagapan ang pagkalat ng virus na dulot ng COVID-19.