ang tinig ni Gov. Manuel Mamba

TUGUEGARAO CITY – Hinihintay na lang umano ng Cagayan Valley Medical Center ang resulta ng swab samples ng isang pasyente na pinaniniwalaang positibo sa Covid-19 sa Tuguegarao City.

Sinabi ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan na ito ang sinabi sa kanya ni Dr. Glenn Baggao, medical center chief ng CVMC sa kanilang pag-uusap sa pamamagitan ng text.

Sinabi ni Mamba na naniniwala siya at maging si Baggao na positibo sa covid-19 ang nasabing pasyente bagamat wala pa ang resulta ng kanyang specimen na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine.

Nabatid na umuwi ang nasabing pasyente noong March 11 sa Tuguegarao City at nagkasakit na dinala sa CVMC.

Kaugnay nito, sinabi ni Mamba na umaabot na sa mahigit 14,000 ang PUI at PUM sa Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, muling nananawagan ang gobernador na sumunod sa mga ipinapatupad na protocols laban sa covid-19 lalo na ang pananatili sa mga tahanan upang makaiwas sa nasabing virus.