Kinondena ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang pagpatay umano sa isang Pinay ng kanyang asawa na Slovenia, ilang araw pagkatapos ng Pasko.
Si Marvil Facturan-Kocjančič, 27, ay pinatay umano ng kanyang asawa na si Mitja Kocjančič habang sila ay nagbabakasyon sa isang resort sa Bled noong December 29, 2024.
Ayon sa CFO, kinokondena nila ang domestic violence at nananawagan ng hustisya para kay Marvil.
Samantala, nakidalamhati ang Filipino Community sa Germany sa pamilya ng biktima kasabay din ng kanilang panawagan para sa hustisya.
Ayon naman sa Filipino Community sa Slovenia, dumating si Marvil sa bansa noon lamang December 22, 2024 para sana sa bagong yugto ng kanyang buhay.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa Slovenia sa nasabing insidente.
Inaresto ang suspect na sinasabing may history ng mental health problems at dinala siya sa psychiatric hospital.