
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng isang oversweas Filipino worker na nawawala kasunod ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong March 28.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na positibong kinilala ang mga labi ni Francis Aragon kagabi.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs na ipinaalam na sa pamilya ng OFW ang sitwasyon.
Gayunman, tumangging magbigay ng karagdagang detalye ang DFA bilang pagbibigay respeto sa pamilya ng OFW.
Kasabay nito, sinabi ng DFA na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan sa Myanmar kaugnay sa tatlo pang nawawalang Pinoy.
-- ADVERTISEMENT --
Si Aragon ay 38-anyos na nagtatrabaho bilang Physical Education teacher sa Myanmar.