Nahaharap sa reklamong panghahalay ang isang pulis sa Maynila.

Una rito, lumapit ang 27 anyos na biktima sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) matapos ang nangyaring panghahalay umano sa kaniya ng pulis na isang patrolman.

Hinala ng biktima, may inilagay sa kaniyang inumin ang suspek habang nasa isang bar sila kaya siya nahilo at nadala sa isang motel habang walang malay.

Giit naman ng kampo ng suspek, may unawaan ang dalawa.

Sa CCTV footage, makikita ang suspek na pasan ang walang malay na biktima sa isang motel sa Sampaloc, Maynila dakong 6 a.m. noong December 4, 2025.

-- ADVERTISEMENT --

Tinulungan naman ng isang staff sa motel ang pulis para mabuhat at madala sa loob ng kuwarto ang babae.

Sa salaysay ng bbabae, nang magising siya, nakadiin ang pulis sa kanyang kaya siya nagkaroon ng pasa dito.

Pinilit umano niyang lumaban dahil sa nanghihina siya.

Nang magkaroon ng pagkakataon, kaagad na lumabas ng motel ang biktima kahit nakararamdam pa umano siya ng hilo, habang nakasunod sa kanya ang suspek.

Ngunit bago ang CCTV footage sa motel, nakuhanan din ng video sa CCTV camera ang biktima na walang malay na inilabas ng isang bar sa Tomas Morato sa Quezon City habang nakaupo sa wheel chair.

Isinakay siya sa kotse ng suspek at isa pang pulis ang umaalay para maipasok siya sa sasakyan.

Hinala ng biktima, may inihalo ang suspek sa kaniyang inumin habang nasa bar siya kaya nawalan siya ng malay.

Nagpunta raw sila ng kaibigan sa bar dahil sa imbitasyon ng isang pulis.

Sa resulta ng medico-legal, lumitaw na positibong nagalaw ang biktima.

Gayunman, iginiit ng abogado ng suspek na may ugnayan ang pulis at ang biktima.

Ayon sa Manila Police District, hindi nila kukunsintihin ang insidente at bibigyan ng mabilis na resolusyon ang kasong administratibo at kriminal isinampa laban sa kanilang tauhan.