
Kinumpirma ng US military na bumagsak ang isang refuelling aircraft sa western Iraq.
Gayunman, sinabi ng US na ito ay hindi dahil sa hostile o friendly fire, at pinaniniwalaan na patay ang mga sakay ng eroplano.
Ayon sa US military, kasalukuyan na ang ginagawang rescue efforts matapos ang insidente na sangkot ang dalawang eroplano, kung saan ligtas naman na nakalapag ang isa.
Samantala, inihayag ni French President Emmanuel Macron ang pagkamatay ng isa nilang sundalo, ang kauna-unahan buhat nang magsimula ang giyera sa Iran.
Una rito, sinabi ng Israel na naglunsad sila ng panibagong strikes sa Tehran, at pinuntirya din ang Hezbollah sa Lebanon.
Tatlo pang cargo ships ang inatake sa Gulf, na sinasabing kagagawan ng Iran.
Batay sa Iranian state media, isinagawa ng Iranian forces ang isang pag-atake.










