Huli sa aktong nagsusugal ng “pusoy dos” ang apat na lalaki kabilang ang isang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng gobyerno sa bayan ng Baggao, Cagayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Mariano Dela Cruz, 56, Dominador Alvarez, 33, Marlo Javier, 55, Arnel Corpuz, 30, SAP beneficiaries na pawang mga residente sa Brgy Awallan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nahuli ang mga suspek dahil sa sumbong kaugnay sa umanoy pagsusugal ng mga ito sa isang abandonadong bahay sa naturang lugar.
Nakuha sa kanila ang P800 na perang taya sa sugal at baraha.
Nahaharap ngayon ang apat sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti Gambling Law at RA 11332 dahil sa ipinapatupad na General Community Quarantine.
Ang piyansa ng bawat isang naaresto ay nagkakahalaga ng P14,000.