Inaresto ang isang hindi pinangalanang Sangguniang Bayan Member ng Iguig, Cagayan matapos isilbi ang warrant of arrest nito na may kaugnayan sa kasong illegal drugs sa nasabing bayan.
Ayon kay Salvacion Dela Cruz, information officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2, ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge De Castro ng Metro Manila RTC Branch 82, Quezon City.
Walang inirekomendang piyansa sa kasong kinakaharap ng nasabing konsehal kaugnay sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Hinuli ang nasabing ospiyal sa pinagsanib na pwersa ng PDEA, NBI at PNP kung saan maayos naman itong sumama sa mga kinauukulan.
Sa ngayon ay nakatakdang i-turn over ang opisyal sa korte sa Quezon City.