TUGUEGARAO CITY – Kinansela na ng Land Transportation Office ang lisensiya ng isang tricycle driver na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa pag-arangkada ng Oplan Harabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, sinabi ni Lala Tomas, tagapagsalita ng PDEA-RO2 na hindi maaaring pumasada ang hindi na tinukoy na tricycle driver na nagpositibo sa drug test matapos kumpiskahin ang kanyang lisensiya at isasailalim sa rehabilitasyon.

Sinabi ni Tomas na sasailalim muna ito sa Drug Dependency Exam (DDE) upang matukoy kung anong intervention ang kailangan para sa kanya.

Panayam ng Bombo Radyo kay Lala Tomas, tagapagsalita ng PDEA-RO2

Aabot sa 181 na drivers ng Public Utility Vehicle (PUV) na kinabibilangan ng 55 ticycle drivers at 16 na UV Express ang isinailalim sa surprise drug test sa dalawang terminal sa Tuguegarao City noong nakaraang Linggo.

Bukod sa Oplan Harabas ay may programa rin ang PDEA na Drug Free Workplace para sa mga business establishments.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Tomas na ang pagsasagawa ng drug test sa mga driver ay dahil sa tumataas na bilang ng aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng mga bumabatak na tsuper.


Panayam ng Bombo Radyo kay Lala Tomas, tagapagsalita ng PDEA-RO2