TUGUEGARAO CITY- Nagdulot ng pansamantakang pagsisikip ng daloy ng trapiko ang pagkatumba ng isang dump truck na dumagan pa sa isang kotse sa bungad ng Buntun bridge sa bahagi na ng Barangay Maddarulog, Solana, Cagayan kaninang umaga.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng mga pulis, tinangka umano ng truck na i-overtake ang isang kotse nang bigla ito mawalan ng kontrol sa manebela ang driver at sumalpok sa bahagi ng tulay, natumba at dumagan pa sa likurang bahagi ng sinusundang kotse.

Sinabi naman ng driver ng kotse na nagulat siya ng may tila bumagsak sa likod ng kanyang sasakyan.

Sa tulong ng equipment ng CAGELCO one ay , nahatak ang mga sangkot na mga sasakyan bago binuksan muli ang nasabing tulay para sa mga motorista.

-- ADVERTISEMENT --

Wala namang nasaktan sa mga sakay ng kotse at truck sa nasabing insidente.