Napilitang itapon ng isang magsasaka ang kanyang mga panindang kamatis matapos na hindi ito maibenta ng aabot sa tatlong araw sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT).
Ayon kay Eng.Gilbert Cumila general manager ng NVAT, nagkakahalaga ang mga kamatis na ito ng P25,000 hanggang P30,000 kung P15 ang presyuhan sa kada kilo nito.
Ibabalik na sana ang mga kamatis ngunit naisip ng may ari na ipinamigay na lamang niya ang mga ito sa Bayombong habang itinapon naman ang pinagpilian na nasa 90 porsiyento ang sira nito.
Sa ngayon ay wala namang oversupply sa NVAT ngunit humina lamang ang demand ng mga kamatis dahil ang mga pinagmulan ng buyers nito ay nagkaroon na ng harvest gaya na lamang sa Batangas at Laguna.
Sa kabila ng dami ng mga ibinabagsak na gulay ay maituturing paring isolated case ang nangyari dahil isang truck load lamang ito..
Kung ikukumpara aniya sa presyuhan dati ng kamatis noong buwan ng hunyo hanggang hulyo ay nagkakahalaga ito ng P60-P120 bawat kilo lalo na kung ito pa ay Class A habang ngayon ay P27 bawat kilo na ang average price ng kamatis habang sa class C naman ay P10-P15 ang presyuhan.
Asahan umano na hindi babalik sa P60-P120 ang presyuhan sa kada kilo ang kamatis kung sakaling walang bagyo na papasok sa ating bansa na sisira sa mga tanimanv ngunit kung mayroon namang bagyo at may mga probinsya na tatamaan ay maaring bumalik ulit ito sa dating presyo.