Isang video-gaming Italian teenager ang magiging kauna-unahan na millennial saint ng Catholic Church matapos na aprubahan ng mga otoridad ng simbahan ang kanyang canonization.

Si Carlos Acutis, na namatay sa leukemia noong 2006 sa edad na 15 ay kilala sa paggamit niya ng kanyang computing skills para ipalaganap ang kanyang pananampalataya at tinawag siya na “God’s influencer.”

Aabutin ng ilang dekada bago kilalanin ng simbahang Katolika ang isang tao bilang santo, subalit mabilis ang proseso para kay Acutis dahil sa mabilis na pagdami ng kanyang followers sa buong mundo.

Ang kuwento ni Acutis ay nakatulong umano sa pagsisikap ng simbahan na mailapit ito sa younger generation sa digital age, at naging sikat siya sa Catholic youth groups.

Kailangan ng isang kandidato para maging santo ang dalawang himala na iniuugnay sa kanya na isinasailalim sa masusing pag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Mayo, kinilala ni Pope Francis ang ikalawang himala na iniuugnay kay Acutis, isang desisyon para sa nakatakdang pagdeklara sa kanya bilang Santo.

Wala pang itinakda na petsa para sa canonization ni Acutis, subalit posible na isagawa ito sa jubilee year celebrations ng simbahang Katoliko sa 2025.

Inaasahang isasagawa ang canonization ni Acutis sa St. Peter’s Square sa Vatican City sa libu-libong katao na pangungunahan ng Santo Papa.