TUGUEGARAO CITY-Hinihintay na lamang ng pulisya ang desisyon ng pamilya ng isang lalaki na namatay sa banggaan ng SUV at motorsiklo sa Rizal,Kalinga kung magsasampa sila ng kaso.
Sinabi ni Police Exec.Master Sgt. Darwin Balbin ng PNP Rizal na hindi pa umano ito maasikaso ng pamilya ni Jonathan Bangibang,33 ng Tabuk City,Kalinga dahil sa pagkamatay ng kanilang kaanak.
Ayon kay Balbin,nasa kostodiya pa nila ang driver ng SUV na si Florante Oppuer ng Luna,Isabela.
Sinabi ni Balbin na sa kanilang pagtatanong sa driver ng SUV,naligaw umano siya sa kanyang pinasok na daan at hindi hindi alam na may intersection sa Brngy.Calaocan.
Dito na rin umano pumasok ang isang motorsiklo na hindi rin umano napansin na may parating na SUV na dahilan ng salpukan.
Patay ang driver ng motorsiklo habang sugatan naman ang kanyang backrider na si Rizaldo Lingayo.